Saturday, July 27, 2019

Panatang Makabayan

Iniibig ko ang Pilipinas, aking lupang sinilangan,
Tahanan ng aking lahi, kinukupkop ako at tinutulungang
Maging malakas, masipag at marangal
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
Diringgin ko ang payo ng aking magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan,
Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap
Sa bansang Pilipinas.

Panatang YES ng Rizaleño

Ako, bilang isang RIZALEÑO
na nagmamahal sa kalikasan
ay nangangakong gagawin ang lahat
upang pangalagaan ang aking kapaligiran
Tutulong at mananalig ako sa programang YES
ng pamahalaang panlalawigan
na gagawing malinis at luntian ang kapaligiran
Itatapon ko ang mga basura sa tamang lugar
at pahahalagahan ko angkop na pamamaraan
upang muling magamit at pakinabangan
ang mga bagay na dati at tinatapon lamang
Ako ay magtatanim ng mga puno upang mapayabong ang kagubatan
na maiwasan ang pagbaha at pagkasira ng mga ari-arian
Tutulong ako upang mapanatiling malinis at buhay ang mga
daluyan ng tubig para sa masaganang buhay at maunlad na pamayanan.
Bilang tagapangalaga,
ituturing ko ang bawat araw
na isang pagkakataon
para isulong at suportahan ang YES Program
dahil ako ay isang RIZALEÑO na may
malasakit at pagmamahal sa Inang-Kalikasan
Kasiyahan Nawa ako ng Diyos!

Panatang Makabayan

Iniibig ko ang Pilipinas, aking lupang sinilangan, Tahanan ng aking lahi, kinukupkop ako at tinutulungang Maging malakas, masipag at ma...